Isinisisi ng South Korea sa lider ng isang religious sector ang pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 20-19 (COVID-19) sa kanilang bansa.
Giit ng Health Ministry, nilabag ni Rev. Jun Kwang-hoon ng Sarang Jeil Church ang self-isolation rules at ginulo ang imbestigasyon ng gobyerno kaugnay ng outbreak.
Sinasabing nakapagtala ng mahigit isang daang kaso ng COVID-19 ang South Korea dahil sa ginawang rally ng grupo habang hindi rin umano ito nakikipagtulungan sa mga awtoridad nang tumangging magsumite ng pangalan ng kanilang mga miyembro para sa testing at contact tracing ng pamahalaan.