Nag-alok ng tulong ang South Korea sa North Korea dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.
Ayon kay South Korean President Yoon Suk-Yeol, hinihintay na lamang nila ang tugon ng NoKor na tanggapin ang bakuna na kanilang ibibigay.
Una nang sinabi ng opisyal ng SoKor na hindi tinanggap ng North Korea ang Sinovac at AztraZeneca dahil mas gusto nito ang mga bakuna na galing sa western countries tulad ng Pfizer at Moderna.
Handa namang tumulong ang US sa NoKor pero wala itong balak na magbigay ng COVID-19 vaccine.