Nagpakawala ang north korea ng tatlong short range ballistic missiles sa East Sea o kilala rin bilang Sea of Japan.
Ito’y ayon sa South Korean government ay kasunod na rin ng hindi pang karaniwang air raid warning sa isang isla ng SoKor.
Ipinabatid ng Joint Chiefs of Staff na ang air raid warning ay inisyu para sa isla ng Ulleungdo na ipinaabot sa national television kasabay nang direktiba sa mga residente na lumikas na sa pinakamalapit na underground shelter.
Inihayag ng SoKor military na isa sa ballistic missile na pinakawalan ng Pyongyang ay bumagsak sa international waters south ng northern limit line, ang pinagtatalunang maritime border ng north at South Korea.
Kaagad namang nagpatawag ng national security council meeting si SoKor President Yoon Suk Yeol para tutulan ang naturag hakbang ng NoKor na itinuturing ng analysts na isa sa pinaka agresibo at matinding pagbabanta sa nakalipas na mga taon.