Nakapagtala ang South Korea ng 205 na bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa loob lamang ng isang araw.
Dahil dito, ayon sa Korea Disease Control and Prevention Agency (KDCA), sinimulan na ang mahigpit na pagpapatupad ng batas laban sa hindi pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar.
Ayon sa KDCA, sa mga bagong kaso ay 166 ang maituturing na locally transmitted at 39 naman ang imported.
Sinasabing karamihan din sa mga naitalang bagong kaso ay mula sa Seoul at Gyeonggi province na pawang matataas ang bilang ng populasyon.