Dumating na sa North Korea (NoKor) si South Korean President Moon Jae-in, ang kauna unahang pagtapak ng isang SoKor leader sa Pyongyang sa nakalipas na isang dekada.
Sinalubong ni North Korean Leader Kim Jong-un si Moon at binigyan pa ng military welcome.
Ang pagpunta ni Moon sa pyongyang ay para sa pagpapatuloy ng kanilang pag uusap ni kim para sa kapayapaan sa Korea.
Bukod sa denuclearization ay inaasahang matatalakay din sa gagawing summit ang isyu sa ekonomiya at pamumuhunan.