Tuluyan nang napatalsik sa puwesto si South Korean President Park Geun-Hye.
Ito’y matapos pagtibayin ng South Korean judges ang nauna nilang desisyon na ma-impeach si Park matapos masangkot sa corruption scandal ng kanyang malapit na kaibigan.
Kasabay ng impeachment, wala na ring presidential immunity si Park at maaari nang malitis sa kaso.
Dahil dito, kinakailangang agad na itakda ang eleksyon sa South Korea para sa magiging bagong pangulo at posibleng ganapin ito sa Mayo 9.
Si acting President at Prime Minister Hwang Kyo-Ahn ang magdedesisyon ng eksaktong petsa ng eleksyon dahil kailangang magkaroon ng bagong lider ang South Korea sa loob ng 60-araw matapos mabakante ang pwesto.
By Meann Tanbio
*AFP Photo