Iminungkahi ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang paghahain ng petisyon ni Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema para kwestiyonin ang pagkakatalaga kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Alvarez, lumalabas sa mga isinagawang imbestigasyon ng House Committee on Justice na may nalabag si Sereno sa mga patakaran sa appointment ng Supreme Court Chief Justice.
Iginiit ni Alvarez na maaaring maging invalid ang appointment ni Sereno lalu na sa usapin ng psychiatric records, SALN at tax declaration nito na isa ring impeachable offense.
Magagamit din aniya ito ng Solicitor General bilang grounds naman sa paghahain ng petisyon sa Korte Suprema para ipadeklarang invalid ang appointment ni Sereno.
Magugunitang dalawang mahistrado ng Korte Suprema ang nagsabi sa pagdinig sa Kamara na hindi dapat isinama sa listahan ng nominado para sa posisyon ng Chief Justice ng Judicial and Bar Council (JBC) si Sereno dahil hindi nito nasunod ang ilan sa mga requirements tulad ng pagsususmite ng SALN.
Krista de Dios / Jill Resontoc / RPE