Ipagtatanggol ng pamahalaan ang lahat ng mga pulis na mahaharap sa imbestigasyon kaugnay ng pinatinding kampanya ng pamalahaan laban sa operasyon ng iligal na droga sa bansa.
Hinimok ni Solicitor General Jose Calida ang mga pulis na huwag matakot at ipagpatuloy lamang ang kanilang trabahong supilin ang iligal na droga dahil nasa likod ng mga ito ang pamahalaan.
Malinaw aniya ang direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na sawatain ang illegal drug trade sa Pilipinas na sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan at maging ng bansa.
Una rito, inihayag ni Senadora Leila de Lima na nais nitong imbestigahan sa senado ang tumataas na bilang ng mga napapatay na may kinalaman sa iligal na droga.
Bahagi ng pahayag ni Solicitor General Jose Calida
Buwelta kay De Lima
Samantala, binanatan ni Solicitor General Jose Calida si Senadora Leila de Lima sa plano nitong imbestigahan sa senado ang patuloy na pagtaas ng insidente ng mga napapatay na drug user at pusher sa bansa.
Iginiit ni Calida na wala nang pangangailangan para magsagawa ng investigation in aid of legislation si de Lima dahil sa marami na aniyang batas sa bansa.
Binigyang diin pa ni Calida na duda sila sa tunay na motibo ni de Lima sa plano nitong imbestigasyon.
Bahagi ng pahayag ni Solicitor General Jose Calida
Kasabay nito kinuwestyon ni Calida kung ano ba ang nagawa ni de lima para sawatain ang operasyon ng iligal na droga.
Iginiit ni Calida na mas lalo pa ngang tumaas at lumakas ang bentahan ng iligal na droga partikular na sa National Bilibid Prison sa ilalim ng panungunkulan ni de Lima bilang kalihim ng DOJ.
Bahagi ng pahayag ni Solicitor General Jose Calida
By Ralph Obina