Suportado ng isang Infectious Disease at Tropical Medicine Expert ang Mandatory COVID-19 Vaccination sa bansa.
Sinabi ni Dr. Rontgene Solante na dapat gawing mandatory ang pagbabakuna para makita ang mga benepisyo at advantage ng mga nabakunahan na kaysa sa mga hindi pa natuturukan ng COVID-19 vaccine.
Ayon kay Solante, ang limitasyon sa Pilipinas ay kakaunti pa lamang ang mga bakunang dumarating kaya’t mayroong tinatawag na priority.
Kasabay nito, nakikiisa si Solante sa mga pananaw na dapat balansehin ang polisya sa supply ng COVID-19 vaccine para maiwasan ang magulong vaccination program.
Nasa halos 90% ng COVID-19 patients ang hindi pa nababakunahan.