Ipinagmalaki ng model actress na si Solenn Heussaff na nag-negatibo siya sa iligal na droga.
Ito’y makaraang sumailalim sa voluntary drug testing si Solenn upang pabulaanan ang mga naglalabasang ulat na gumagamit umano siya ng ipinagbabawal na gamot.
Sa isang panayam, inamin ni Solenn na sumama ang kanyang pakiramdam nang marinig niya ang ilang ulat hinggil sa paggamit niya ng droga kaya’t nagpasya na siyang sumailalim sa drug test.
Ngunit nanindigan ang aktres na hindi siya magpapaapekto sa tsismis at patunay lamang ito na wala siyang itinatago.
By Jaymark Dagala
Photo: Screengrab from Solenn Heussaff /Instagram