Malaki ang tulong ng pag-live-in bago magpakasal.
Ito ay ayon sa Kapuso actress na si Solenn Heussaff.
Aniya, naiintindihan niya ang ganitong klase ng choice dahil para sakanya mas nakikilala mo ang magiging partner mo habang buhay.
Dagdag pa ni Solenn, kung hindi siya nakipag-live-in sa kanyang Argentinian husband na si Nico Bolzico ay malaki ang magiging pagbabago pagkatapos ng kasal at baka hindi rin aniya mag-work ang kanilang relasyon.
Gayunman, inilarawan ni Solenn ang kanilang relasyon ni Nico na isang ‘chill relationship’.
Ani Solenn, para lang din silang magkaibigan, minsan aniya si Nico ang makulit o di kaya’y siya.
Sina Solenn at Nico ay ikinasal noong Mayo 21 ng nakaraang taon