Binalaan ni Solicitor General (SolGen) Jose Calida si Senador Antonio Trillanes IV na kakasuhan ng libelo kapag hindi nag-sorry.
Kaugnay ito sa pahayag ni Trillanes na ninakaw ni Calida ang kaniyang amnesty papers.
Iginiit ni Calida na hindi siya magnanakaw lalo nat hindi siya kailanman pumasok sa mga tanggapan ng personnel division ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kayat imposibleng makapagnakaw siya ng mga dokumento duon.
Bukod pa ito aniya sa certification na inilabas ni Lt Col. Thea Joan Andrade, custodian ng records na walang kopya ng application ni Trillanes para sa amnestya.
Samantala, wala sa posisyon si Calida para mag demand ng paumanhin mula kay Trillanes.
Sinabi ni Trillanes na gawin na ni Calida ang lahat ng gusto nito dahil inaasahan na aniya ang pinakamatinding hakbang ng solicitor general laban sa kaniya.