Idinepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte si Solicitor General Jose Calida sa harap na rin ng kinukuwestyong kontrata ng kanyang security agency sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Sa talumpati ng Pangulong Duterte sa tanggapan ng Bureau of Customs sa Maynila kahapon, sinabi nito na wala siyang nakikitang mali sa ibinabatong akusasyon kay Calida gayung wala naman itong nalalabag na batas.
“Huwag mo pilitin na just because he’s retired, ‘Hindi, mag-ano pa ‘yan siya.’ Why do you have to impute or attribute malice there?”
“Itong si Calida matagal naman ‘yang security guard [firm] niya. Noon pa ‘yan. Why should I fire him? He’s good.” Ani Pangulong Duterte
Giit ng Pangulo, wala namang masama kung magkaroon ng negosyo ang isang opisyal ng pamahalaan basta’t hindi ito direktang sangkot o nagmamando sa pinasok na kontrata sa gobyerno.
“Bakit, wala na ba tayong katuwiran magnegosyo? As long as you do not participate, the fact that you have divested in the sense that you have retired.” Pahayag ng Pangulo
—-