Naniniwala si Solicitor-General Jose Calida na isang uri ng paghihiganti ang kasong isinampa laban sa kanya sa Office of the Ombudsman ng negosyanteng si Jesselyn Nesperos.
Ayon kay Calida, ang pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pwesto noong Mayo 11 sa pamamagitan ng kanyang inihaing Quo Warranto Petition ang dahilan ng kinakaharap niyang kaso.
Wala naman anyang isinumiteng ebidensya si Nesperos sa kasong malversation of public funds na inihain sa Ombudsman.
Layunin anya ng naturang kaso na sirain ang kanyang integridad at pamilya.
Bukod sa malversation, inireklamo rin si Calida ng conflict of interest dahil sa nakuhang 150 Million Peso contract sa anim na ahensya ng gobyerno ng security agency na pag-aari ng kanilang pamilya.