Handa si Solicitor General Jose Calida na harapin at sagutin ang lahat ng mga ibinabatikos laban sa kaniya.
Ito’y kaugnay sa pagpasok ng kaniyang security agency na Vigilant Investigative and Security sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na tinatayang aabot sa milyun-milyong Piso.
Ayon kay Calida, taong 1974 pa siya naninilbihan bilang abogado kaya’t mas dapat siya ang iwasan ng mga kritiko dahil tiyak na babalikan niya ang mga ito.
Sa huli, nanindigan si Calida na hindi siya aalis o magbibitiw sa puwesto sa kabila ng mga panawagan sa kaniya ng mga kritiko ng administrasyon.
Magugunitang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang dumipensa Kay calida sa dahil sa umano’y conflict of interest.