Umapela si Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema na ipawalang-bisa ang panawagan ng Senado na imbestigahan ang ahensyang pagmamay-ari ng kanyang pamilya.
Kasama ni Calida na dumulog sa Korte ay ang kanyang maybahay na si Milagros at kanilang tatlong anak na nagmamay-ari ng animnapung (60) porsyento ng Vigilant Investigative and Security Agency Incorporated.
Humirit ang pamilya na magpalabas ang Supreme Court ng restraining order upang pigilan ang plano ng Senado.
Iginiit ni Calida na tinalikuran niya ang kanyang karapatan sa negosyo ng kanilang pamilya matapos na maitalagang Solicitor General.
Una nang naghain ng resolusyon si Senador Antonio Trillanes IV para imbestigahan ahensyang pagmamayari ng pamilya ni Calida dahil umano sa kuwestyonableng pagkakakuha nito ng kontrata sa ilang ahensya ng gobyerno.
—-