Hiniling ng Office of the Solicitor General sa Korte Suprema na ibasura ang petisyon ni Senadora Leila De Lima.
Iginiit ng Office of the Solicitor General na hindi dapat bigyan ng ispesyal na pagtrato si De Lima na nahaharap sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nanindigan din ang tanggapan ni Solicitor General Jose Calida na may kapangyarihan ang Deparment of Justice na magsagawa ng preliminary investigation sa kaso ni De Lima at nararapat lamang na sa RTC iniharap ang kaso niya dahil noon pa man, salig sa umiiral na mga batas sa pagdinig sa mga kaso ng droga na ang mga mababang hukuman ang may orihinal na hurisdiksyon sa mga nasabing paglabag.
By: Avee Devierte / Bert Mozo