Pinapurihan ni Solicitor General Jose Calida ang Korte Suprema makaraang maglabas ito ng TRO o Temporary Restraining Order.
Ito’y para pigilan ang nakatakda sanang pagbasa ng sakdal laban kina dating Pangulong Noynoy Aquino dating PNP Chief Alan Purisima at dating SAF Director Getulio Napeñas kaugnay ng Mamasapano Massacre Case.
Ayon kay Calida, nagpapasalamat siya sa mga mahistrado sa pagtataguyod nito sa sagradong mandato ng estado na papanagutin ang mga nagkasala sa batas.
Kumpiyansa si Calida na ito na ang unang hakbang para makamit ang katarungan sa pagkamatay ng 44 na SAF Commandos na walang awang pinaslang nang mapintakasi ang mga ito sa Mamasapano, Maguindanao nuong Enero 25, 2015.
Posted by: Robert Eugenio