Tumangging sundin ng Office of the Solicitor General ang naging kautusan ng Korte Suprema na nag-aatas sa kanilang isumite sa High Tribunal ang mga hinihingi nitong dokumento.
Ito’y kaugnay sa mga ulat ng humigit kumulang apat na libong (4,000) drug suspects na napapatay sa mga lehitimong operasyon ng pulisya sa ilalim ng war on drugs ng administrasyong Duterte.
Kasunod nito, naghain ng motion for reconsideration si Solicitor General Jose Calida sa High Tribunal para baliktarin ang naunang desisyon nito na inilabas noong Disyembre ng nakalipas na taon.
Giit ni Calida, hindi nila maisusumite sa Korte Suprema ang mga hinihingi nitong dokumento na naglalaman ng mga sensitibong impormasyon na may posibleng epekto sa pambansang seguridad.
—-