Nanindigan si Solicitor General Jose Calida na ligal ang inisyung suspension order ng Office of the President laban kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang.
Matatandaang pinatawan ng 90 days suspension si Carandang dahil sa pagsasapubliko nito ng ilang dokumento na may kaugnayan sa bank account ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Calida, may awtoridad ang Pangulo na disiplinahin si Deputy Ombudsman sa kabila ng umiiral na jurisprudence.
Binigyang diin ni Calida na ang kapangyarihan para disiplinahin ang Deputy Ombudsman ay nasa Pangulo din na siyang nagtalaga dito.
Tila kataka-taka namang tikom ang bibig ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa isyu.
—-