Iginiit ni Senate President Koko Pimentel na kung tutulong si Solicitor General Jose Calida sa pagsasampa ng impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo, dapat aniyang gawin ito ni Calida sa personal na kapasidad at hindi bilang Solicitor General.
Ayon kay Pimentel, posibleng mabatikos si Calida kung gagamitin niya ang posisyon sa pagtulong niya kay House Speaker Pantaleon Alvarez na sampahan ng naturang kaso ang Bise Presidente.
Samantala, may karapatan, aniya, si Alvarez na magsampa ng kaso dahil miyembro siya ng kongreso.
May hangganan ang freedom of expression – SP Pimentel
Sasarilinin na lamang ni Senate President Koko Pimentel ang sentimyento niya sa video message ni Vice President Leni Robredo sa UN o United Nations forum kapag napanood na niya ito.
Gayunpaman, sinabi ni Pimentel na kung itinuturing ng kampo ni Robredo na freedom of expression ang naturang video message, maituturing din, aniya, na betrayal of public trust iyon dahil tila siniraan niya ang gobyerno.
Dapat aniyang tandaan na mayroong hangganan ang freedom of expression dahil hindi absolute o ganap ang mga karapatan.
By Avee Devierte |With Report from Cely Bueno