Kumpyansa si Solicitor General Jose Calida na papaboran ng korte suprema ang panukalang pagpapalawig ng isang taon sa umiiral na martial law sa Mindanao.
Giit ni Calida, nakasaad mismo sa ikalawang petisyon ng grupo ng mga mambabatas na nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang rebelyon sa Mindanao ng NPA o New Peoples Army.
Samantala, sa petisyon naman na inihain ng grupo ni Albay Representative Edcel Lagman, iginiit ng mga ito na wala nang rebelyon na nangyayari sa mindanao kaya’t wala nang dahilan para palawigin pa ang batas militar doon.
Kaugnay nito, hinamon ni Calida ang mga mambabatas na patunayang wala ng rebelyon o anumang banta ng terorismo na nangyayari sa rehiyon.
Itinakda ng korte suprema ang oral arguments sa consolidated petitions laban sa martial law extension sa Enero 16 at 17.