Tinawag na arogante ni Senador Panfilo Lacson ang sinabi sa mga pulis ni Solicitor General Jose Calida na huwag silang dumalo sa imbestigasyon ng Senado sa dumaraming napapatay na drug dealers.
Ayon kay Lacson, Korte Suprema lamang ang puedeng pumigil sa imbestigasyon ng Senado.
Sinabi ni Lacson na sa ngayon ay masyadong maaga pa o premature na pag awayan ang tungkol sa imbestigasyon ng Senado sa alegasyong summary killings sa mga hinihinalang drug dealers.
Kung may resolusyon man anya tungkol dito si Senador Leila De Lima ay kailangan pa itong pag usapan sa caucus upang timbangin kung mayroong basehan o wala.
Subalit sa ngayon anya ay wala pa naman syang nakikitang sapat na basehan para imbestigahan ang pagkamatay ng mga suspected drug dealers
By: Len Aguirre