Mag-sisimula na sa Disyembre ng kasalukuyang taon ang phase 3 ng clinical trial ng bakuna para sa World Health Organization (WHO) solidarity trial sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, batay na rin aniya sa anunsiyo ng WHO.
Ayon kay Vergeire, nagbigay na ng commitment ang WHO hinggil sa trial ng bakuna kontra COVID-19 at inaasahang maipalalabas ang iba pang detalye nito ngayong linggo.
Samantala, kaugnay naman ng bakunang gawa ng Russia, patuloy pa rin ang pag-uusap sa pagitan ng Russian manufacturer na gamaleya sa isang contract research organization na naka base sa Pilipinas.
Ito ay upang talakayin aniya ang posibleng lokal na pagmanufacture sa bansa ng naturang potensiyal na bakuna kontra COVID-19.
Una na ring isinumite ng vaccine expert panel ng Department of Science and Technology sa Food and Drug Administration ang pagbibigay ng clearance para sa clinical trial sa Pilipinas ng Chinese vaccine na Sinovac.