Hindi maaapektuhan ng dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) ang solidarity vaccine trial ng World Health Organization (WHO).
Ang naturang solidarity trial ay para sa pag-aaral ng efficacy ng paggamit ng magkaibang dose ng COVID-19 vaccine sa una at ikalawang dose.
Sinabi ni Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary for Research and Development Rowena Cristina Guevara, magpapatuloy ang naturang trial nagyong buwan ng Agosto.
Aniya, limang COVID-19 vaccines ang pag-aaralan sa pamamagitan ng mix and match kabilang ang Sinovac, Sputnik V, AstraZeneca, Pfizer at Moderna.
Dagdag ni Guevara, maglalaan rin ang gobyerno ng pondo sa pamamagitan ng dost at Department of Health (DOH).
Samantala, posibleng magsimula ang solidarity trial sa a-15 ng Agosto at tatagal nang 18 buwan.