Nasa 3,000 kristyano at muslim ang lumahok sa solidarity walk sa Quezon City bilang pagpapakita ng pagkakaisa at pagkundena sa magkasunod na pambobomba sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.
Nagsimula ang aktibidad sa East Avenue kasama ang nasa 2,000 kristyano na sumalubong naman sa tinatayang 1,000 muslim sa Philcoa, kahapon.
Nagtipon ang dalawang grupo sa Quezon Memorial Circle kung saan nagkamayan at nagyakapan ang mga ito.
Dumalo naman sa aktibidad sina NCRPO Chief, Dir. Guillermo Eleazar, PNP-Vicar General Monsignor Lucio Rosaroso Junior at Metro Manila Muslim Community for Justice and Peace President Datu Basher Bong Alonto.
Samantala, isang peace covenant ang nilagdaan matapos ang solidarity walk.