Nagpaliwanag na sa Malacanang si Department of Social Welfare Development Secretary Dinky Soliman kaugnay sa natuklasang nabubulok na bigas na itinapon sa Dagami, Leyte.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na pinapaimbestigahan na aniya ng kalihim kung sino ang nagpabaya sa rasyong bigas para sa Yolanda victims.
Sasampahan aniya ng kasong administratibo ang mga mapapatunayang opisyal na nagpabaya , alinsunod sa patakaran ng civil service.
Nang natuklasan aniya ang mga nabubulok na relief goods ay agad dinesisyunan na kailangang ma-dispose ito dahil itinuturing na itong “unfit for human consumption”.
Sinabi aniya ni Soliman na hindi dapat isaalang alang ang kaligtasan ng Mga Yolanda victims.
By: Aileen Taliping (patrol 23)