Niyanig ng magsunod na magnitude 6.8 na lindol ang Solomon Islands sa South Pacific Ocean.
Ayon sa US Geological Survey, nangyari ito ilang araw matapos tamaan ng malakas na pagyanig ang naturang lugar.
Natunton ang epicenter ng lindol sa silangan ng Kirakira.
Sinabi naman ng Pacific Tsunami Warning Center na walang banta ng tsunami ang mga nasabing pagyanig.
By Jelbert Perdez