Niyanig ng magnitude 6.9 na lindol ang bahagi ng Solomon Islands.
Batay sa tala ng United States Geological Survey, natukoy ang episentro ng pagyanig sa layong 184 na kilometro sa bayan ng lata at may lalim itong 19 na kilometro.
Nasundan pa ng maliliit na aftershocks ang nasabing pagyanig na nakapagtala ng magnitude 4.9.
Wala namang naitalang pinsala o casualties at pinawi rin ng Pacific Tsunami Warning Center ang anumang banta ng tsunami sa nasabing isla.
Bahagi ng Pacific Ring of Fire ang Solomon Islands kaya’t madalas itong makaranas ng mga pagyanig at pagputok ng bulkan.
By Jaymark Dagala