Pinayuhan ng Kamara ang Social Security System o SSS na ipagpaliban muna ang planong pagtataas ng kontribusyon sa mga miyembro nito.
Ayon kay House Committee on Banks and Financial Intermediaries Chair Ben Evardone, hangga’t hindi nare-resolba ang anomalya sa isyu ng stock trading na kinasasangkutan ng apat na SSS officials, walang dahilan upang tuluyang ipatupad ang contribution hike.
Pahayag ni Evardone, maghahain siya ng resolusyon sa Kongreso upang hilingin na imbestighan ang mga anomalya sa loob ng ahensya.
Giit ng Kongresista, kapag nabigyan na ng linaw ang mga kontrobersya sa SSS at napaniwala nila ang mga miyembro ng komite na wala talagang anomalya sa stock trading, doon lamang dapat na mag-increase ng members contribution ang SSS.