Pinatutsadahan ng Department of Science and Technology (DOST) ang mungkahi ni Camiguin Rep. Jurdin Jesus Romualdo na butasin ang mga bulkan para malayang makalabas ang lava at walang maganap na pagsabog.
Ayon kay DOST Secretary, lalo lamang mag-a-alburoto ang bulkan sa gusto ni Romualdo mangyari.
Gayunman, maaari anyang makapag-trigger nang biglaang pagtaas ng magma kung babawasan ang pressure ng bulkan sa tuktok nito.
Magugunitang pinaulanan ng kakaibang mga tanong si Solidum ng ilang miyembro ng Commission on Appointments bago nakalusot at kumpirmahin bilang kalihim.
Kabilang na rito ang tanong ni Sagip Partylist Rep. Rodante Marcoleta sa kalihim na kung pwede ring kainin ng mahihirap na Pilipino ang food pills ng mga astronaut bagay na ayon sa kalihim ay kanilang pag-aaralan. - sa panulat ni Hannah Oledan