Aminado ang PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency na malaki ang hinaharap nilang hamon ngayong solo na nila ang kampaniya ng administrasyon kontra iligal na droga.
Inamin sa DWIZ ni PDEA Director- General C/Supt. Aaron Aquino, kulang ang kanilang mga tauhan at kagamitan para masawata ng tuluyan ang malaking bilang ng mga sindikato, nagtutulak at gumagamit ng iligal na droga sa bansa.
Kasunod nito, binigyang diin ni Aquino na kahit wala na ang PNP, NBI at iba pang law enforcement agency sa war on drugs ng gobyerno, maaari pa rin silang magpasaklolo rito sa ilalim ng umiiral na batas
Doon sa Republic Act 9165, nakasaad po dun na PDEA can still seek assistance sa PNP at sa iba pang local law enforcement agencies and in the conduct of operation on the ilegal drugs so pwede parin po mag top although makikita parin po yung kakulangan namin in terms of man power and equipment medyo hirap na hirap po kami dun kaya yun ang magiging malaking challenge po sa ahensya.
Giit ni Aquino, tila pagpapakamatay na ang gagawin ng mga tauhan ng PDEA kung wala silang back up sa mga operasyon dahil halos pasan na nila ang daigdig mula sa paniniktik ng mga sangkot hanggang sa pagsasampa ng kaso
Kaya naman, umaasa si Aquino na pansamantala lamang ang ginawang kautusan ng pangulo na alisin ang iba pang mga law enforcement agencies sa war on drugs
Ta-tatlo lang kami mag o-operate dun eh di parang basang sisiw naman kaming pinagbabaril nalang doon . That is a suicide. Suicide yung gagawin namin so hindi naman kami pwedeng gumawa ng ganung klaseng operation. So ang magiging back up parin naming is yung other law enforcement agency including Armed Forces of the Philippines, pag nag conduct kami ng operation. Ang pagkakaiba nga lang, kami ang mag li-lead, kami ang papasok sa bahay, kami na lahat. Mag iimbestiga, kami mag fa-file ng kaso, kala mo napakadali pero yung pag file lang ng kaso na ito baka mangyari nito, mga ahente ko, wala nalang ginawa kundi mag attend nalang ng court hearing.
(SAPOL INTERVIEW)