Maraming kabataan sa bansa ang hindi kumakain sa tamang oras na nagdudulot ng pananakit ng sikmura.
Kaya para maiwasan ito, narito ang mga solusyon para sa mga umaatake ang ulcer at gerd o yung gastroesophageal reflux disease.
- Mag-hintay ng dalawa hanggang tatlong oras kapag hapunan bago humiga.
- Humiga sa mataas na unan, kahit tatlong unan. Pwede rin sa upuan na may sandalan para hindi umakyat ang asido.
- Uminom ng maligamgam na tubig, tatlong lagok bawat paggising.
- Kung kumukulo ang tiyan, puwede sumubo ng dalawang kagat ng saging. —sa panulat ni Abby Malanday