Maraming Pilipino ang nakararanas ngayon ng pagka-stress dahil sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay partikular na sa mga edad 17 pataas.
Ayon sa mga eksperto, nagkakaroon ng epekto sa kalusugan ang mga nai-stress kabilang na dito ang pagkalagas ng buhok, pagkakaroon ng sakit sa puso, ulcer at pananakit ng katawan.
Huwag nang mag-alala dahil mayroon nang solusyon upang maiwasan ang pagkastress na nararanasan ng isang tao.
Narito ang ilang mga healthy tips:
- mag-stretching o ang tamang pag-ehersisyo at paglalakad.
- kumausap ng positibong tao.
- huwag magpanic o mag-isip ng negatibong bagay
- panatilihin ang pagrerelax sa sarili.
- iwasan ang mga bisyo gaya ng sigarilyo, alak at iba pa.
- makinig ng music at magpahinga.
- kumain din ng sapat na pagkain o subukan ang mediterranean diet.