Pasintabi sa mga kumakain diyan pero, hirap ba kayong makadumi?
Maraming dahilan kung bakit hirap dumumi ang isang tao.
Maaaring nag-iba ang diet na dahil sa constipated na tiyan, kakulangan sa ehersisyo, sobrang stress, kulang sa tubig na iniinom, at thyroid problems.
Hirap din sa pagdumi ang mga taong may Irritable Bowel Syndrome (IBS) na nakakapagdulot ng pananakit sa tiyan, diarrhea at constipation.
Upang mapadali ang pagdumi, inirerekomenda ng mga doktor ang pag-inom ng sampu hanggang 12 baso ng tubig kada araw.
Mahalaga ding bahagi ang pagiging well-hydrated para mapalambot ang pagdumi ng isang tao at maiwasan ang constipation.
Ang pagkain ng gulay o ng green leafy vegetables tulad ng kangkong, ampalaya, talbos, ay isa rin sa mga natural na solusyon upang mas mapabilis ang pagbabawas ng isang tao dahil sa taglay nitong fiber—sa panulat ni Hannah Oledan