Tiniyak ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na kabilang sa kanyang mga isusulong ang mga hakbangin kontra sa polusyon.
Ang pahayag ni Marcos ay kasunod ng inilabas na ulat ng Center for Research on Energy and Clean Air (CREA) at Institute for Climate and Sustainable Cities na nagsasabing nawawalan ang bansa ng P4.5 trillion kada taon dahil sa problema sa polusyon.
Giit ng dating senador, mahalagang matiyak na masolusyunan ang problema ng bansa sa air pollution dahil may kaugnayan ito sa ating ekonomiya.
Maliban dito, aabot rin sa 66,000 indibidwal ang namamatay sa sakit gaya ng respiratory infections na dahil pa rin sa polusyon.
Binigyang diin pa ni Marcos na dapat nang wakasan ang problema sa polusyon para na rin sa mga susunod na henerasyon at upang maabutan ng mga ito ang ligtas at maayos na hangin.
Sinabi pa ni marcos na mayroon nang batas gaya ng Republic Act 8749 o ang Clean Air Act upang mapangalagaan ang ating kalikasan, at mahalaga aniyang palakasin at paigtingin ang pagpapatupad nito.