Enforcement, engineering at education.
Ito ang mga naiisip na solusyon ni Vice President Jejomar Binay sa lumalalang trapiko sa Metro Manila.
Ayon kay Binay, dapat malaman ng pamahalaan kung paano mapapabilis ang pagpapalawak sa mga kalye o kalsada para hindi nagsisiksikan ang mga sasakyan.
At ang long-term plan na naiisip niya sa problema sa trapiko ay ang pagdaragdag ng riles ng tren dahil katumbas umano nito ang 4 na kalye.
Sang-ayon naman ang bise presidente sa panukalang BOT o itong Build Operate Transfer.
Binigyang diin niya rin ang pagsuporta sa paggamit ng Pasig River bilang karagdagang paraan ng transportasyon.
By: Jelbert Perdez | Allan Francisco