Nagdeklara na ng national emergency ang Somalia matapos umatake ang locust o mga insektong balang.
Ipinabatid ng Ministry of Agriculture na kinain ng mga nasabing insekto ang malaking bahagi ng pananim sa Somalia dahilan kayat naging malaking banta ito sa food security ng nasabing bansa.
Ang naturang insidente ay itinuturing ng United Nations na pinakamalaking pag atake ng locust sa Somalia at Ethiopia sa nakalipas na 25 taon.