Baby boy ang first baby ng South Korean celebrity couple na sina Son Ye Jin at Hyun Bin.
Sa statement ng agency ni Ye Jin, nakasaad na nakatakdang manganak ang aktres sa Disyembre at maayos ang kalusugan nito.
Matatandaang noong Hunyo nang ianunsyo ng celebrity couple na magkakaroon na sila ng baby.
March 31, 2022 nang ikasal ang dalawa sa Aston House sa Grand Walkerhill Hotel sa Seoul.