Posibleng sa Malakanyang na gawin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 27.
Ito ay ayon kay Senate President Vicente Sotto III ay kabilang sa tatlong opsyon na maaaring pagpilian ng pangulo para sa kanyang SONA.
Una aniya rito ay ang nakagawiang pagsasagawa ng SONA sa batasang pambansa pero mahigpit na ipatutupad ang social distancing at hindi na tatanggap ng iba pang bisita.
Sinabi ni Sotto, maaari ring magtipon ang lahat ng mga mambabatas sa batasan habang inilalahad naman ng pangulo ang kanyang SONA sa malakanyang.
Ikatlo aniya sa maaaring opsyon ng pangulo ang pag-convene sa dalawang kapulungan ng Kongreso sa kani-kaniyang gusali habang nasa malakanyang naman ito.
Dagdag naman ni Sotto, sakaling piliin ng malakanyang ang ikatlong opsyon, papayagan aniya ang virtual na padalo ng mga senador sa SONA habang nasa kani-kanilang bahay. -–ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)