Kaliwa’t kanang kilos protesta ang ikinasa ng anti at pro Duterte kasabay ng ika-apat na state of the nation address ni Pangulong Rodrigo Duterte, kahapon.
Kaniya-kaniya ring gimik ang mga ralyista para iparating ang kanilang mga mensahe sa gobyerno.
Tulad na lamang ng grupong nagparada sakay ng kanilang gawa-gawang bangka para iprotesta ang kwento ng GEMVER 1 na binangga ng Chinese vessel at iniwan sa dagat ang pilipinong sakay nito.
Sinilaban naman ng mga nagpo-protesta ang isang effigy ng pangulo na ginawang hawig sa shokoy at may hawak na baril na anila’y sumisimbolo ng kanilang galit sa kaduwagan na ipagtanggol ang bansa mula sa China.
Hindi rin nagpatalo ang mga pro-Duterte na may sariling bersyon ng kanilang pagpaparating ng mensahe sa pangulo gaya ng problema sa trabaho at pensyon.
Samantala, nagsagawa rin ng kilos protesta ang iba’t ibang grupo sa Davao, Baguio, Cagayan De Oro, Legaspi City at General Santos City.
#TINGNAN: Effigy at larawan ng ilang mga grupong nagki-kilos protesta ngayong SONA ni Pangulong Duterte | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/ZMqwwnWQfR
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) July 22, 2019
Anti Duterte Rally sa Commonwealth QC# SONA2019 @dwiz882 pic.twitter.com/5EjiCWpNb2
— JILL RESONTOC – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) July 22, 2019