Inihayag ni Executive Secretary Victor Rodriguez na magiging bahagi ng talumpati ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa kanyang unang SONA ang mga mahahalagang isyu na kinakaharap ng bansa.
Ayon sa kalihim, kasama dito ang isyu sa ekonomiya, face-to-face classes at ang pagtugon sa problema sa COVID-19.
Mababatid na natalakay na sa nakalipas na tatlong cabinet meetings ang mga ito kung kaya’t dito rin ibabase ang mga magiging plano ng Presidente para sa bansa.
Dagdag pa rito ay babanggitin din aniya ng Pangulo ang digitalization dahil nais nito na maging digitalized ang kanyang administrasyon.