Inaasahang sasabayan ng ulan ang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas.
Ito’y dahil ayon kay PAGASA Weather Division Officer-In-Charge Vicente Palcon Jr., mananatiling dominanteng weather system ang hanging Habagat hanggang sa susunod na limang araw.
Bagama’t walang nagbabadyang bagyo, sinabi ni Palcon na inaasahang iiral pa rin ang maulap na kalangitan na may pabugso-bugsong mga pag-uulan sa western section ng Luzon, kabilang ang Metro Manila.