Binigyang-katwiran ng Malacañang ang P2 milyong pisong gagastusin sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino sa Lunes, July 27.
Ipinabatid ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na ang gastos ay bahagi ng inaprubahang budget ng mga ahensya sabay giit na ito ay naaayon sa batas.
Ayon kay Coloma, gagamitin ang pondo para sa pagkain ng mga bisita sa kamara at pagsasaayos sa mga pasilidad sa mababang kapulungan.
Tinatayang aabot sa 2,700 mga bisita ang darating sa SONA ni Pangulong Aquino sa Batasan.
Matatandaang pinuna ng mga kritiko ang inilaang pondo para sa SONA na umano’y masyadong malaki at dapat ay inilaan na lamang sa mga mahihirap na Pilipino.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)