Ikakasal na ang dalawang Korean stars na sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo na mas nakilala nang magkatambal sa sikat na K-drama na Descendants of the Sun.
Batay sa anunsyo ng Blossom Entertainment at United Artists Agency, magiging pribado ang kasal ng dalawang Korean stars na gaganapin sa Oktubre 31.
Naging trending naman sa Twitter ang hashtag na #Songsongcouple, ilang minuto lamang matapos i-anunsyo ang kasal ng dalawang Korean stars.
Ilang netizens rin ang nagpahayag ng kanilang kaligayahan nang malaman na ikakasal na ang dalawa.
Bukod sa Korean drama na Descendants of the Sun ay unang nakilala si Song Hye Kyo bilang Jenny sa Endless Love at Jessie sa Full House.
By Krista de Dios
Song Joong Ki at Song Hye Kyo ikakasal na sa Oktubre was last modified: July 5th, 2017 by DWIZ 882