Ibinida ng aktres na si Angelica Panganiban ang kaniyang baby bump.
Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Angge ang mga litrato sa kanilang beach getaway ng boyfriend na si Gregg Homan kung saan suot ang swimsuit at beach skirt.
Inulan naman ng papuri ang post ng aktres at tinawag siyang ‘glowing mommy’ at magandang buntis ng ilang taga-hanga at kasama sa showbiz.
Matatandaang noong nakaraang buwan nang ianunsyo ni Angge ang kaniyang pregnancy na isa raw sa pinakahihintay niyang papel sa kaniyang buhay.