Asahan na ng publiko ang sorpresa sa isasagawang SONA o State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte sa July 23.
Kinumpirma ito ni Presidential Communications Assistant Secretary Marie Rafael Banaag bagamat ang nasabing sorpresa aniya ay hindi nalalayo sa campaign promises ng pangulo tulad ng isyu ng illegal drugs, korupsyon, kriminalidad at pederalismo.
Sinabi ni Banaag na walang ihahayag ang pangulo hinggil sa no el scenario na ang kongreso ang dapat tumutok at hindi ang Pangulong Duterte.
Una nang ibinasura ni Presidential Spokesman Harry Roque ang posibleng no el at tuloy ang May 2019 midterm elections.