Walang nakikita ang kampo ni Timothy Bradley na posibilidad nang pagbagal at paghina ng mga suntok ni Manny Pacquiao sa bakbakan ng mga ito sa April 9.
Ito ayon kay Coach Teddy Atlas ay kahit pa inaasahan niyang mananalo si Bradley sa nasabing laban.
Ibinunyag ni Atlas ang inihanda nilang sorpresang game plan para magtagumpay si Bradley kontra sa Pambansang Kamao.
Sinabi pa ni Atlas na taglay pa rin ni Pacman ang mabilis na pagsuntok at foot work bagamat naging conservative na ito aniya sa pag-atake sa laban.
By Judith Larino