Tinanggap na ng Security Guard na si Christian Floralde ang paghingi ng kapatawaran ng suv driver na sumagasa sa kanya.
Gayunman, hindi anya ito nangangahulugan na i-a-atras na niya ang kaso laban sa suspek na si Jose Antonio San Vicente, driver ng Toyota RAV4.
Nilinaw naman ni Floralde na wala pa silang “out of court settlement” ni San Vicente dahil isang beses pa lang niya nakausap ang abogado nito.