Tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Sorsogon Second District Rep. Ditas Ramos.
Ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales, nakaranas ng mga sintomas ng virus si Ramos at nagpositibo sa isinagawang test sa kanya sa kanilang lalawigan.
Patuloy na nagpapagaling ngayon si Ramos habang walang tigil ang contact tracing na ginagawa sa mga nakasalamuha ng kongresista.